Umkyat pa sa 421,722 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

viber image 2020 11 24 15 27 26
IMAGE | DOH COVID-19 Case Bulletin/DOH

Ngayon ang ika-15 araw na nag-ulat ang ahensya ng mababa sa 2,000 mga bagong kaso ng sakit, na nasa 1,118.

“11 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on November 23, 2020.”

Ang Caloocan City ang nangunguna ngayon sa mga lugar na may pinakamataas na bilang ng new COVID-19 cases na nasa 89. Sinundan ng Davao City, Laguna, Quezon province, at Quezon City.

Nasa 26,745 pa ang bilang ng mga nagpapagaling o active cases. Nadagdagan naman ng 196 ang total recoveries na ngayon ay nasa 386,792 na.

Samantalang 12 ang additional sa total deaths na 8,185.

“10 duplicates were removed from the total case count. Of these, 2 were recovered cases. Moreover, 6 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”