-- Advertisements --

MANILA – Pumalo na sa 884,783 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas. Kasunod ito ng iniulat ng Department of Health (DOH) na 8,571 na mga bagong kaso ng sakit.

“9 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on April 12, 2021.”

Batay sa datos ng DOH, 18.3% ang positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa 27,900 na nagpa-test sa COVID-19 kahapon.

Nananatili namang mataaas ang bilang ng active cases na ngayon ay 165,534.

Mula sa kanila, 96.9% ang mild cases, 1.8% asymptomatic, 0.31% moderate, 0.5% severe, at 0.4% critical cases.

Nadagdagan naman ng 400 ang total recoveries na nasa 703,963 na.

Habang 137 ang bagong naitalang namatay para sa 15,286 nang total COVID-19 deaths.

“13 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 are recoveries.”

“Moreover, 54 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”