-- Advertisements --

Sumampa na sa halos kalahating bilyong piso ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura dahil sa nagdaang bagyong Crising at umiiral na Habagat .

Batay sa inilabas na datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umaabot na ito sa mahigit P467-M.

Mula sa naturang bilang, aabot sa P423 milyong ang naitalang pinsala sa imprastraktura mula sa Ilocos Region, Western Visayas at MIMAROPA.

Nag-iwan rin ng mahigit P54 milyong halaga ng pinsala ang sama ng panahon sa sektor ng Agrikultura mula sa limang rehiyon sa bansa.

Ito ay kinabibilangan ng high value crops, fisheries, livestock at poultry mula sa bahagi ng Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA at Negros Island Region.

Kaugnay nito ay aabot naman sa 2,344 na mga magsasaka at mangingisda ang apektado ang kabuhayan dahil sa masamang lagay ng panahon.