-- Advertisements --

Itinanghal bilang Miss Supranational Asia and Oceania 2024 si Alethea Ambrosio na pambato ng Pilipinas.

Kabilang siya sa Top 12 finalists ng pageant.

Samantala, si Harashta Haifa Zahra ng Indonesia ay kinoronahang Miss Supranational 2024 ng kanyang hinalinhan na si Andrea Aguilera ng Ecuador.

Matatandaang naging agaw-pansin dati ang naging kasuotan ni Ambrosio na sampaguita-inspired na damit ng Filipino designer na si Ehrran Montoya sa national costume competition ng pageant.

Huling nanalo ang Pilipinas ng Miss Supranational crown noong 2013 kung saan si Mutya Johanna Datul ang kauna-unahang Pinay na nanalo sa nasabing pageant.