Nagkasundo ang Pilipinas at Australia na palakasin pa ang joint maritime activities sa ilalim ng pinaigting na strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Pang. Ferdinand Marcos Jr, mananatiling prayoridad ang defense and security sa kooperasyon ng Pilipinas at Australia na layong paiigtingin pa ang joint activities at maging sa capacity-building efforts ng dalawang bansa.
Binigyang-diin ng Presidente na mahalaga ang partnership ng Pilipinas at Australia partikular sa defense, maritime cooperation, non-traditional security concerns, trade and investment, development cooperation, multilateral collaboration at ang people-to-people linkages.
Malaking tulong ang Australia sa Pilipinas lalo na sa pagpapalakas sa defense posture nito para protektahan ang soberenya ng bansa.
Asahan na rin na magkakaroon mga joint exercises ang Armed Forces of the Philippines at maging ang Australian Armed Forces.
Dagdag pa ng Chief Executive, kanila din napag usapan ni Albanese ang pagpapalakas sa bilateral economic cooperation ng sa gayon magkaroon ng magandang environment para sa mga negosyo at maging sa labor markets.
Umaasa ang dalawang lider na mas magiging matatag din ang people-to-people ties upang lalo pang lalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinagmalaki din ng Pangulo ang malaking kontribusyon ng mga Filipino sa pagpapalakas sa ekonomiya ng Australia.
Muli naman binigyang-diin ng Pangulo ang pangako o commitment ng Pilipinas sa Australia bilang isang Strategic Partner.