Mariing kinonena ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro ang pangangahas ng ilang mga sasakyang pandagat ng People’s Republic of China na makalapit sa barko ng Pilipinas na BRP Sierra Madre.
Sa naging Defense Ministers Bilateral Meeting ni Teodoro kasama si Australia Deputy Prime Minister at Minister of Defense Richard Marles, inihayag niya na ang mga mapangahas na aksyon na ito ng China ay isang matter of concern at condemnation.
Malinaw aniya na ito ay produkto ng mga maling naratibo at siyang malinaw din na paglabag sa mga umiiral na internasyonal na batas.
Pahayag pa ni Teodoro, ang kanilang mga impormasyon ay aniya’y ‘disgustsing’ gaya ng kanilang mga ginagawang iligal na aktibidad sa West Philippine Sea na siyang katubigang sakop ng Pilipinas.
Ang mga pahayag nman na ito ni Teodoro ay sinuportahan ni Marles na siya namang nagpahayag ng pagkabahala sa mga kamakailan lamang na aksyon ng China sa Ayungin Shoal.
Sa panig ng Auastralia, muling nanindigan si Marles na titiyakin ng kanilang bansa na magpapatuloy ang kanilang commitment sa pagpapalakas ng kanilang defense ties sa Pilipinas at maging ang kanilang alyansa sa Washington.
Ang kanila ring bansa ay nagsususlong ng isang rules-based order na siyang nais na mapalakas pa sa pamamagitan ng kanilang naging pagpupulong nitong Biyernes.
Inaasahan naman ng naturang bansa na ang mga magiging interaksyon sa pagitan ng mga defense forces ay maisasakatuparan ng ligtas at sa isang propesyunal na paraan.
Samantala, nanindigan naman ang parehong bansa na nararapat lamang sundin ang mga batas na umiiral internationally sa mga ganitong sitwasyon partikular na ang United Nations Conventions of the Law of the Sea (UNCLOS).
Ito aniya ay dapat na manatiling basehan para agad na maresolba ang mga territorial disputes sa WPS.