-- Advertisements --

Nangangalap na umano ng impormasyon ang kompaniyang Pfizer sa napaulat na mayroong nagtamo ng allergic reaction ang isang naturukuan ng COVID-19 vaccine sa Alaska.

Ayon sa kompaniya, isang health worker umano ang nagtamo ng matinding allergy nang turukan ng COVID-19 vaccine.

Kapag makuha na nila ang detalye ay kanila itong pag-aaralang mabuti.

Ipinaggiitan pa rin ng pharma giant na hindi sila nakapagtala ng anumang allergic reaction nang isagawa naman nila ang trials.