Kasabay nang kanyang paglaya at pagbabalik Amerika, nagpaabot ng patawad si convicted US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa pamilya ng pinaslang niyang Pinoy transgender na si Jennifer Laude.
Sa isang mensahe na inilabas ng kanyang abogado, unang naghatid ng pasasalamat si Pemberton kay Pangulong Rodrigo Duterte na naggawad sa kanya ng absolute pardon matapos ang anim na taon niyang pagkakakulong.
“Mr. Pemberton wishes to express his deepest gratitude to President Duterte for granting him an absolute pardon. He is extremely grateful for this act of compassion.”
Sinabi rin ng abogado ni Pemberton na ipinapaabot nito ang paghingi ng tawad sa idinulot ng kanyang krimen sa pamilya Laude.
Habang pinagsisilbihan ng Amerikanong sundalo ang kanyang sintensya ay pinagsisihan nito ang nagawang pagkakamali.
“To the family of Ms. Jennifer Laude, he extends his most sincere sympathy for the pain he caused. In the years he spent in confinement, he spent much time contemplatin the many errors in his ways regarding the night of October 11, 2014.”
“He wishes he had the words to express the depth of his sorrow and regret.”
Nitong alas-9:00 ng umaga, sinundo ng isang US military plane si Pemberton pabalik ng Estados Unidos matapos mapaaga ang pagtatapos ng kanya sanang 10-taong sintensya dahil sa absolute pardon ni Duterte.
Noong 2014 nang hatulan siyang guilty sa kasong homicide matapos patayin ang transgender na si Laude.