Patuloy ang pamamayag ng pelikula ni Denzel Washington na “The Little Things”.

Mayroon na kasi itong kabuuang kita na $2.1 million sa ikalawang linggo mula ng ito ay ipinalabas.

-- Advertisement --

Umabot na rin sa $1.4 million ang ticket sales nito mula sa 20 bansa.

Ang nasabing rated R-na pelikula ay mayroon ng $7.8 million na kita sa US at $5.2 million na kita sa Canada.

Gawa ng director na si John Lee Hancock ang pelikula na unang ipinalabas sa streaming service hanggang nagdesisyon ang producers na ipalabas ito sa mga sinehan ngayong 2021.