-- Advertisements --

Napili bilang cover ng NBA 2K21 si New Orleans Pelicans star Zion Williamson.

Ang nasabing anunsiyo ng ay isang araw matapos na unang napiling maging cover si Portland Trail Blazers guard Damian Lillard.

Sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo ng NBA kung sino ang pangatlong player na magiging cover ng nasabing NBA 2K21.

Ang nasabing mga basketball star ay lalabas sa lahat ng platform ng NBA 2K21 na kinabibilangan ng PlayStation 4, Xbox One, Nintendo Switch, Windows PC at Google Stadia.