Nakilahok ang United States carrier strike group sa multilateral maritime cooperative activity (MMCA) ng Pilipinas at Japan.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad ,na isinagawa ang nasabing MMCA sa bahaging sakop ng Bajo de Masinloc.
Naganap ito mula Hulyo 21 hanggang 25 sa karagatang sakop ng Zambales.
Ang kalahok ng Pilipinas ay kinabibilangan ng isang Navy warship, aircraft mula sa Philippine Air Force at Philippine Navy at dalawang barko ng Philippine Coast Guard.
Habang ang US ay nagpadala ng carrier strike group at dalawang US Coast Guard cutters samantala ang Japan ay nagpadala ng isang warship.
Dagdag pa ni Trinidad na ang carrier strike group ay kinabibilangan ng aircraft carrier , cruiser, tatlong destroyers na may aircraft at submarine support.
Kabilang sa mga sinanay nila ay ang cross-deck landings, replenishment sa daga, communication drills, anti-submarine warfare at ilang interoperability activities sa pagitang ng mga sumaling puwersa.
















