-- Advertisements --

Sinibak sa kaniyang puwesto ang head coach ng New Orleans Pelicans na si Alvin Gentry matapos ang bigong pagpasok sa Western Conference play-offs.

Noong nagsimula kasi ang bubble games sa Florida ay mayroon silang dalawang panalo at anim na talo na naging pang-14 na puwesto.

Sinabi ni David Griffin, ang executive vice president ng koponan, na malaki pa rin ang pasasalamat nila kay Gentry dahil sa pagsisikap nito para sa koponan.

Normal lang aniya ang nagaganap na pagpapalit ng mga coach sa anumang sports.

Kinuha ng Pelicans si Gentry bago magsimula ang 2015-16 season kung saan nagtala ito ng 175-225 regular season record.

Bago naging coach ng Pelicans ay kinuha ito ng Detroit Pistons, Los Angeles Clippers at Phoenix Suns at naging interim head coach ng Miami Heat.

Ilan sa mga napipiling coach ngayon ng Pelicans ay sina Los Angeles Lakers assistant coach Jason Kidd at Clippers assistant coach Ty Lue.