Makasaysayang tagumpay na naman ang naitala ng Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos siyang pumasok sa Top 50 ng Women’s Tennis Association (WTA) rankings, ang kauna-unahang Pilipina na umabot sa ganitong antas sa kasaysayan ng tennis.
Si Eala ay umakyat sa No. 48 sa pinakahuling WTA rankings matapos ang kanyang impresibong kampanya sa mga international tournaments nitong Oktubre.
Ang pag-angat na ito ay bunga ng kanyang consistent na performance sa singles events, kabilang ang panalo sa WTA 100 at iba pang high-level competitions.
Si Eala, 20-anyos, ay produkto ng Rafael Nadal Academy sa Spain at matagal nang kinikilala bilang isa sa mga rising stars ng Asian tennis.
Bukod sa kaniyang mga tagumpay sa junior Grand Slam, patuloy siyang nagpapakita ng husay sa professional circuit.
Ang milestone na ito ay hindi lamang personal na tagumpay para kay Eala kundi isang inspirasyon sa mga kabataang Pilipino na nais makapasok sa mundo ng international sports.
Ayon sa mga sports analysts, ang pagiging bahagi ng Top 50 ay magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kanya sa mga major tournaments gaya ng Australian Open, French Open, Wimbledon, at US Open.














