-- Advertisements --

Patuloy na tiniyak ng Philippine National Police ang kanilang kahandaan sa pagtugon sakali mang may mangailangan ng tulong ngayong Undas 2025.

Ayon mismo kay Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr, naka-full alert ang pambansang pulisya sa ilalim ng kanilang Oplan Ligtas Undas 2025.

Bahagi anila ito sa matatag na pamumuno ng kasalukuyang hepe ng pambansang pulisya nakasentro sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa.

“Inutusan natin ang ating mga tauhan na panatilihin ang presensiya ng pulisya at makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay upang maiwasan ang krimen at katiwalian,” pahayag ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Kung kaya’t sa paggunita ng todos los santos, asahan raw ng publiko ang 24/7 Philippine National Police Assistance Desk upang maidulog at maitawag ang anumang kahina-hinalang napansin ngayong araw.

Dagdag pa rito’y paalala din ng pambansang pulisya na maging mahinahon, magalang at mapagmatyag sa paggunita ng Undas 2025.

Sa pamumuno ni Lt. Gen. Nartatez, malinaw aniyang mensahe ng PNP na ang ligtas na Undas ay nagsisimula sa disiplina, pakikiisa, at respeto sa kapwa.