-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad si dating NBA star Tony Allen dahil sa iligal na droga.

Ayon sa Poinsett County Sheriff sa Arkansas, nahaharap ang dating Memphis Grizzles player ng dalawang kaso ng drug possession, isang felony at isang misdemeanor.

Kasalukuyan itong nakapiit at walang itinakdang piyansa para sa kalayaan niya.

Base sa imbestigasyon na pasahero lamang siya sa isang sasakyan na pinara ng mga kapulisan dahil sa biglang paglipat ng lane sa highway ng Memphis.

Nakita sa basketbolista ang isang bag ng marijuana at ng halughugin ang sasakyan ay nakakita pa sila ng cocaine na nakalagay sa kahon ng sigarilyo.

Ang 43-anyos na si Allen ay naglaro sa Memphis mula 2011 hanggagn 2017 at naglaro din siya sa Boston Celtics at New Orleans Pelicans.

Itinuturing na isa siya sa best defensive players of all time.