Matagumpay na naaresto sa ikinasang entrapment operation laban sa pekeng dentista sa Purok V, Brgy Balincanaway sa bayan ng Rosales.
Ayon kay PMaj. Herminio Olivares ang siyang Chief of Police ng Rosales PNP na sa tulong aniya ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Dental Association (PDA) at kanilang himpilan ay nahuli ang isang lalaki na illegal na gumagawa ng pustiso.
Ang naturang operasyon ay isinagawa base na rin sa naging reklamo ni Dr Cesar A Casanova, na siyang Chairman ng Campaign Against Illegal Practice of Dentistry (CAIPD), Pangasinan Chapter.
Dagdag nito na dahil sa mga rekomendasyon sa mga nagiging biktima nito kaya naman ay marami ang tumatngkilik sa pagbili ng mga ibinebenta nitong mga pekeng pustiso.
Dahil rin aniya sa mura ang halaga ng mga naibebentang pustiso ng suspek kung kaya naman maraming mga residente ang tumatangkilik ito.
Ang suspek aniya bukod sa unsanitized ang mga pustisong ginagawa ay wala rin siyang sapat na kaalaman sa paggawa nito.
Ang naarestong suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9484 (The Philippine Dental Act of 2007) at pansamantalang nakapiit sa himpilang ito.
Samantala pinawi naman nito ang pangamba ng publiko hinggil sa kalakaran ng ilegal na droga.
Puspusan rin aniya nag kanilang pagpapaigting at pagbabantay sa kanilang bayan upang matiyak na magiging ligtas ang publiko.