Dismayado ang ilang pinuno ng iba’t ibang bansa matapos ianunsyo ni US President Donald Trump ang kaniyang plano para sa Middle East.

Dito ay iminungkahi ng American president ang pagiging independent ng Palestine at pagkilala sa soberanya ng Israel sa West Bank settlements.

Aniya, posible umano na ang kaniyang plano ay posibleng pinakahuling oportunidad para maayos ang sigalot ng mga Palestinians.

Tinawag na “conspiracy” ni Palestinian President Mahmoud Abbas ang peace plan ni Trump. Sinabi nito na hindi niya ibinebenta ang Jerusalem maging ang karapatan ng kaniyang nasasakupan.

“I say to Trump and Netanyahu: Jerusalem is not for sale, all our rights are not for sale and are not for bargain. And your deal, the conspiracy, will not pass,” ani Abbas.

-- Advertisement --

Tumaas naman ang kilay ng ilang Iranian officials. Ayon kay Hesameddin Ashena, adviser ni Iranian President Hassan Rouhani, hindi raw magiging matagumpay ang planong ito at tinawag niya pang “treason of the century” ang naturang ideya ni Trump.

“This is a deal between the Zionist regime (Israel) and America. Interaction with Palestinians is not on its agenda. This is not a peace plan but a plan of imposition and sanctions,” saad ni Ashena.

Itinuturing naman ni Sami Abu Zhuri, isa sa mga opisyal na namumuno sa Gaza Strip, na walang kwenta ang pahayag ni Trump tungkol sa Jerusalem.

Nanindigan din ito na kahit kailan ay hindi luluhod at susuko ang mga Palestinians at patuloy na ilalaban ang kanilang karapatan sa lupain.

Inaasahan na ang blueprint na inilatag ni Trump ay reresolba sa pinaka-mahabang sagupaan sa kasaysayan.