Ipinagmalaki ng Philippine Drug Enforcement Agency ang pagkakakumpiska nito sa mahigit P147.25-M halaga ng illegal na droga sa kanilang isinagawang weeklong operation.
Batay sa datos ng Anti-illegal Drug Operations Accomplishment Report , ang bilang na ito ay naitala mula Abril 11 hanggang 18 ng kasalukuyang taon.
Sa nasabing panahon ay nagkasa ang ahensya ng nasa 69 na mga anti-drug operations na nagresulta sa pagkaka aresto ng nasa 79 drug personalities.
Kabilang sa mga pinakamalaking nakumpiska ng PDEA ay 1000 grams ng Shabu na mula sa Brgy. Minuyan, San Jose del Monte, Bulacan.
Nasa 16,000 grams rin ng Shabu ang nasabat sa Brgy. New Mahayag, Catbalogan City, Western Samar.
Aabot naman sa 984 gramo ng ketamine na nasabat sa Port Area, Manila matapos ang isinagawang operasyon.
Sinira din nito ang nasa 13,200 marijuana plant sa Benguet at mahigit 49,000 marijuana plant mula naman sa Kalinga at Ifugao.
Wala namang patid ang panawagan ng ahensya sa publiko na suportahan ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga.