-- Advertisements --
Itinuturing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na naging malaking tulong ang Barangay Anti-Drug Council para mapuksa ang iligal na droga.
Sinabi ni PDEA Chief Dir. Gen. Moro Virgillio Lazo, na maraming mga barangay na bansa ang nasertipikahan bilang drug-cleared dahil sa patuloy ang paglaban nila kontra iligal na droga.
Sa pinakahuling datos kasi nila ay nasa mahigit 27,000 na mga barangay sa bansa ang drug-cleared na.
Pinasalamatan nito ang mga local government unit dahil sa pagiging aktibo nila sa paglaban sa iligala na droga.