-- Advertisements --

Tiniyak ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na hindi maaapektuhan ng kanyang personal na pagkakakilala kay House Speaker Martin Romualdez ang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.

Ito ay bilang tugon sa pahayag ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na umano’y malapit si Dizon kay Romualdez at maaaring makaapekto ito sa kasalukuyang imbestigasyon.

Ayon kay Dizon, matagal na niyang kilala ang Speaker ngunit ang kanyang mandato ay nakabatay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papanagutin ang lahat ng sangkot, anuman ang kanilang posisyon.