Aabot na sa P89 million ang naipamahaging tulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga apektado ng kalamidad noong buwan ng Oktubre at Disyembre.

Sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma, nasa P3.1-M ang naibigay sa North Cotabato at Davao del Sur matapos na tamaan ang dalawang lugar ng magnitude 6.9 na lindol noong Disyembre 15.

Nakatakdang tatanggap naman ng tig P5-M ang bayan ng Padada, Hagonoy at Matanao sa Davao del Sur.

Kasabay nito ang paghikayat niya na tangkilin ang kanilang mga Lotto games para mas marami silang matulungan.