-- Advertisements --

Kasalukuyang naka-home quarantine si Communication Secretary Martin Andanar matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.

Sinabi nito na kahit na asymptomatic siya ay agad itong naka-isolate.

Patuloy na rin aniya ang ginagawang contact tracing para malaman kung sino-sino ang kaniyang nakasalamuha.

Paglilinaw naman nito na wala itong nilabag na travel restriction dahil ayaw niyang ilagay sa alanganin ang buhay ng ibang tao.

Magugunitang ilang mga miyembro ng gabinete na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gumaling na sa COVID-19 na kinabibilangan nina Presidential spokesperson Harry Roque, Department of Education Secetary Leonor Briones, Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez at Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano.

-- Advertisement --

Maging ang ilang mga mambabatas at mga opisyal ng mula sa iba’t-ibang panig ng bansa ang nagpositibo at gumaling sa nasabing virus.