-- Advertisements --
collision1

Agad rumisponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa napaulat na vessel collision incident na kinasasangkutan ng MV HAPPY HIRO, isang cargo vessel at ang FB JOT-18, isang Filipino fishing vessel.

Naganap ang insidente sa may karagatan ng Maracanao Island, Agutaya, Palawan, kahapon 28 May 2022.

Batay sa ulat ng PCG 13 sa 20 Pinoy na mangingisda ang nailigtas habang pito ang hanggang sa ngayon ang pinaghahanap.

Isang transiting fishing boat ang agad na nagbigay ng rescue assistance sa 13 mangingisda ng FB JOT-18.

Agad naman inilipat ang 13 mangingisda sa MV HAPPY HIRO na siyang nagdala sa mga ito sa sa vicinity ng karagatan ng Lipata, Culasi, Antique para sa kaukulang tulong.

Matapos mabigyan ng clearance nilipat din ang mga mangingisda sa barko ng PCG ang BRP Panglao.

Ayon naman sa Medical Officer ng MV HAPPY HIRO’s Medical Officer, na si Mr. Mckinley Amante, residente ng San Miguel, Iloilo, na 12 sa 13 rescued fishermen ay nagtamo ng scratches sa katawan, habang ang isa ay nagtamo ng minor wound sa ulo na agad namang nilapatan ng gamot at stable na ang kondisyon.

Halos lahat ng mga mangingisda ng FB JOT-18 ay mga residente ng Bantayan Island sa Cebu, habang ang isa ay nakatira sa Estancia, Iloilo.

Ang mga sumusunod ang mga naligtas na mangingisda:

  1. Donde Petiero, 38, Estancia, Iloilo
  2. Roderico Mata, 31
  3. Randy Mata, 36
  4. Renie Espinosa, 38
  5. Mario Quezon, 24
  6. Sammuel Ducay, 40
  7. Rendil Dela Peña, 42
  8. Martin E. Flores Jr., 58
  9. Jupiter Jbañiez, 38
  10. Andring Pasicaran, 43
  11. Jonel Mata, 30
  12. Joemar Pahid, 32
  13. Arjay Barsaga, 26

Kasalukuyang nagsasagawa ng search and rescue operations ang mga barko ng PCG ang BRP Suluan (MRRV-4406), PCG Station Cuyo, at PCG Sub-Station Agutay sa Iloilo para sa mga nawawalang mangingisda.