NAGA CITY – Patay ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCF) matapos ang nangyaring aksidente sa Maharlika Road, Paloyon Proper, Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si PO3 Dennis Perez, 36-anyos, residente ng Sta. Cruz, bayan ng Baao sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na pasado alas-3:00 nitong Huwebes ng umaga sakay ng motorsiklo ang biktima patungo sa ligao City ng mawalan ito ng kontrol sa kanyang manibela.

Resulta upang humandusay ito sa ginta ng kalsada.

Base sa imbestigasyon sinusubukan pa umanong tumayo ng biktima upang makaalis sa gitna ng kalsada ngunit aksidente naman itong nabundol ng isang 10-wheeler truck.

Nabatid na hindi na nagawang makilala ang driver ng nasabing truck dahil agad itong nakatakas matapos ang insidente.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng mga otoridad sa pagkakaaresto sa nasabing suspek.