-- Advertisements --

Nakilahok sa Alalayan exercise 2025 sa Mactan, Lapu-Lapu sa Cebu ang Philippine Coast Guard (PCG) nitong Mayo 22 hanggang Mayo 23.

Ang Alalayan Exercise 2025 ay isa sa mga flagship capacity-building activities ng National Maritime Center (NMC) na isang multi-agency command post, tabletop at isa ring filed training para sa mga maritime personnel.

Layon ng pagsasanay na ma-test ang buong kapasidad ng interagency capabilities gaya ng tracking, interception, boarding, inspection, evidence handling, at ilang mga emergency responses gaya ng firefighting aat search and rescue operations.

Kasama rin sa operasyon ang ilang mga ahensya na mayroong close-coordination sa PCG para sa pagtitiyak ng epektibong pagresponde at pagpapatibay ng national security kasama na ang pagbibigay proteksyon sa mga marine resources ng bansa.

Samantala, kasama rin ng PCG sa pagsasanay na ito ang Philippine Navy (PHNAVY), Philippine National Police-Maritime Group (PNP-PM), Bureau of Customs (BOC) , Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Immigration (BI), Bureau of Quarantine, at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpapakita ng pagkakaisa ng mga maritime agencies para sa pagpapaigting ng maritime security sa Pilipinas.

Pagtitiyak naman ng PCG, mananatiling malakas ang kanilang paninindigan na mapaigting ang kooperasyon at koordinasyon nila sa iba pang mga ahensya para sa patuloy na pagbibigay proteksyon sa mga maritime interests ng bansa.