-- Advertisements --
Nakapagtala pa rin ang Philippine Coast Guard (PCG) ng halos 50,000 mananakay sa mga pantalan, kahit ngayong Biyernes Santo, na hindi dati nangyayari sa mga nakaraang taon.
Ayon sa ulat ng PCG, 28,141 ay outbound passengers at 18,529 naman ang inbound passengers.
Una rito, nag-deploy ang ahensya ng 2,377 deployed frontline personnel sa 15 PCG Districts.
Dito ay nag-inspeksyon sila ng 159 vessels at 716 motorbancas.
Nananatili naman ang kanilang tanggapan sa ‘heightened alert’ hanggang sa susunod na linggo, kung saan inaasahan ang pagbabalik ng mga byahero.