-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Coast Guard na walang namataang Chinese Coast Guard malapit sa Manila Bay.

Ginawa Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela ang naturang kumpirmasyon matapos ang naging ulat na mayroong umaaligid malapit sa labas ng Manila Bay na CCG-3306.

Ani Tarriela, ang pinakamalapit na naabot ng CCG vessel ay may layong 30 nautical miles mula sa Capones Island Zambales kaya’t malabo itong mapunta sa Manila Bay.

Hindi rin aniya tama at angkop na gawing point of reference ang nasabing Bay dahil masyadong malayo ang barko ng China doon.

Batay sa ulat ng PCG, sa ngayon, aabot sa 58 nut mula Capones Island Zambales ang pinag-uusapang barko ng China na 3306.

Ito ay patuloy naman na sinusundan ng BRP San Agustine na nasa 55 nautical miles Capones Island Zambales.

Naglayag naman ang naturang barko ng Pilipinas para palitan ang BRP Terresa Magbanua na bumalik na sa Manila.