Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Commodore Armand Balilo na pito ang nasawi, matapos masunog ang isang RoRo vessel kaninang umaga sa may katubigan ng Real, Quezon.
Inaalam na rin sa ngayon ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sanhi ng pagkasunog ng barko.
Naihatid na sa pinakamalapit na ospital ang anim na pasaherong nangangailangan ng tulong medikal, sa kabuuan nasa 105 na mga pasahero ang narescue mula sa nasunog na barko
Sinabi ni Commodore Balilo, agad nirespondehan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang RoRo vessel na nasusunog kaninang umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon, bumiyahe mula Polillo Island ang naturang barko sakay ang 124 pasahero bandang alas-5:00 ng umaga.
Naganap ang insidente nang makarating ang barko 1,000 yarda mula Port of Real.
Sa mga oras na ito, nagpapatuloy ang search and rescue (SAR) operation.
Liban sa PCG, tumutulong din sa SAR operation ang mga RoRo vessels sa naturang katubigan.
Nilinaw naman ni Balilo, hindi overloaded ang bangka dahil ang capacity nito ay 180.
Nakatakda namang i profile ang mga sakay ng bangka batay sa manifesto para ma counter check.