-- Advertisements --

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang huling balanse ng health emergency allowance para sa mga healthworkers na nagsilbi noong COVID-19 pandemic mula 2021 hanggang 2023.

Ang nasabing halaga ay sumasakop sa 1,411,546 claims mula sa nabanggit na taon na hinihintay ng mga Local Government Units (LGU), private health facilities, state universities at ilang mga institusyon sa iba’t-ibang rehiyon.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na naaprubahan na ang special allotment release order (SARO) ng Department of Health (DOH).

Kinuha ang pondo mula sa Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs (SAGIP) sa mga ilalim ng mga unprogrammed appropriations ng 2025 national budget.

Ito na ang huling bahagi ng Public Health Emergency Benefits and Allowances (PHEBA) na obligasyon ng gobyerno.

Hinikayat ng kalihim ang DOH na agad na ipamahagi ang PHEBA sa mga health sector workers sa lalong madaling panahon.