-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang suporta sa rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council Digital Infrastructure Group na sertipikahang priority legislation ang tatlong panukalang batas na makapagpapalakas sa cyber security efforts ng gobyerno.

Ayon sa Pangulo, kanyang kakausapin ang pamunuan ng lehislatura at mula Dito ay matingnan kung paano uusad ng mabilis ang panukalang batas sa Kongreso at sa huli ay makapasa sa dalawang kapulungan.

Ang tatlong bills ay na pending sa kasalukuyan sa Senado ay Cybersecurity Act, ang Anti-Mule Act at ang Online Site Blocking Act .

Ayon sa DICT, makakatulong ang Cybersecurity Act sa cybersecurity resilience ng bansa habang sa ilalim ng Anti-Mule Act ay magiging krimen na Ang pagbubukas ng account gamit ang pekeng identity at pamimili ng gamit na Hindi naman pala siya ang tunay na nagma- may ari ng account.

Ang Online Site Blocking Bill naman ay naglalayong protektahan ang industriya ng sining at mga mamimili mula sa likas na panganib ng online content piracy.