-- Advertisements --

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pangunahan ng mga government agencies ang pag educate sa mga kababayan nating Pilipino hinggil sa paggamit ng e-wallet at iba pang digital payment applications ng sa gayon lumakas pa ang economic activities na magreresulta sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ito’y matapos magpahayag ng kaniyang suporta ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Paleng-QR Ph Plus Initiative.

Inihayag ng chief executive ang kaniyang pananaw sa isinagawang pulong sa Malacañang kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Digital Infrastructure Cluster para ma-improve pa ang digital infrastructure ng bansa.

Ayon kay PSAC Member Ernest Cu, President and CEO ng Globe Telecom, sinabing ang paggamit ng quick response (QR) codes at iba pang digital payment apps ay parang “home run” para sa gobyerno, kaya excited sila pagsilbihan ang mga public markets gamit ang QR codes.

Ang paggamit ng QR codes at digital payments apps ay mas magiging mabilis ang savings and loan applications para sa publiko, magsasaka, mangingisda at mga maliliit na negosyo.

Suportado naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla ang nasabing proyekto at may malaking impact sa financial inclusion.

Inirekumenda din ng PSAC ang pag-adopt sa National Cybersecurity Plan (NCSP) 2023-2028 and the Connectivity Index Rating System.