-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Oplan Kontra Baha na inisyal na ipatutupad muna sa ilang mga lugar dito sa Metro Manila partikular sa Paranaque City.

Ayon sa Pangulo, ang hakbang ay pagtutulungan kapwa ng pamahalaan at ng pribadong sektor na kung saan, ang unang phase ay magtatagal ng siyam na buwan.

Sa pahayag ng Pangulong Marcos sinabi nito na malaking bahagi ng mga pagbaha ay siltation o ang sobrang pagka mababaw na ng mga spillway.

Malaking kontribusyon din dito ay ang mga basure na nag-iipon-ipon na.

Kaya ang isa sa mga unang gagawin ayon sa Pangulo ay lilinisin ang mga spillway at estero upang mas maging malalim ang daanan ng tubig.

Lumalabas sabi ng Pangulo na nag aaverage sa sampung talampakan o 10 feet ang dapat na hukayin para mapalalim ang mga daanan ng tubig.

Pagbibigay diin ng pangulo, hindi minsanan itong gagawin kundi magiging tuloy tuloy na ang mga hakbangin para masolusyonan ang problema sa baha.

Inihayag ng Pangulo na kapag nagawa ang nasabing proyekto 60 percent ang mababawas na mga pagbaha at baka mas higit pa gayung kasama din sa mga aayusin ang mga pumping stations.