-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpupulong ng UPLIFT Committee ngayong araw upang pag-aralan ang mga rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) hinggil sa excise tax sa mga produktong petrolyo.

Layon ng nasabing rebyu na makahanap ng mga karagdagang hakbang na magbibigay ng mabilis na relief at magpapagaan sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa mga Pilipinong komyuter, manggagawa, at pamilya.

Kasama sa mga tinalakay ang posibleng pagsususpinde o pagbabawas sa buwis ng langis at ang pagpapalawak ng tulong pinansyal sa mga sektor na pinaka-apektado ng krisis sa enerhiya.

Sa kabila ng pulong walang  inilabas na  desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw kung tatanggalin o babawasan nito ang excise tax sa mga produktong petrolyo o  kung magkano ang ibabawas dito. 

Ayon sa Presidential Communications Office bukas na lamang inaasahang maglalabas ng patakaran  ang Pangulo  hinggil sa excise tax at energy issue.