-- Advertisements --

Mariing tinutulan ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang “Safer Cities Initiative” ng DILG sa Metro Manila, na anila’y anti-poor at madaling mauwi sa pang-aabuso ng kapangyarihan.

Giit ng grupo, may matagal nang record ang pulisya sa pagpo-profile at pangha-harass ng kabataan, lalo na sa mga tinatawag na “geng-geng.”

Binatikos din nila ang 10PM curfew para sa mga menor de edad na pumipigil sa karapatan sa malayang paglalakbay at lehitimong gawain.

Ayon sa SPARK, maraming kabataan at informal workers ang walang ID at madaling mapagkamalan ng awtoridad.

Hinamon nila si Secretary Remulla na magpakita ng ebidensiya na epektibo ang curfew sa pagbawas ng krimen.

Nagbabala rin ang grupo na maaaring maulit ang pang-aabuso ng pulisya gaya ng naranasan noong COVID-19 lockdown.