-- Advertisements --

Nakapasok sa panibagong round si Alex Eala matapos talunin ang Austrian na si Julia Grabher, 6-4, 6-3, sa pagbubukas ng clay season sa Upper Austria Linz Open nitong Miyerkules, Abril 8 (araw sa Pilipinas).

Sa unang set, pinakita ng tennis star ang determinasyon nito na nakipagsabayan sa home favorite bago tuluyang nakabreak sa ika-10 laro para makuha ang set.

Sa ikalawang set, mabilis siyang nakabuo ng 4-1 na lamang matapos ang pagkakamali sa serve ni Grabher sa ika-apat na game.

Si Grabher, na ranked No. 89, ay mayroong 43 spots na mas mababa kay Eala, sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kanyang serve sa ika-anim na laro at pagbabalik ng break sa ika-pitong game, pinabababa nito ang kalamangan ni Eala sa 4-3.

Gayunpaman, mabilis na nakabalik si Eala, nakabreak sa ika-walong game at sinelyuhan ang laban sa ika-siyam na laro.

Ito na ang kanyang kauna-unahang panalo sa clay court ngayong season at naghahanda siya sa isang malaking rematch laban kay Grand Slam champion at fourth seed Jelena Ostapenko, na nakatanggap ng opening-round bye.