Patuloy ang pagbuhos ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa ngayong Huwebes Santo, Abril 2 para humabol na makauwi sa kani-kanilang probinsiya para magbakasyon at gunitain ang Mahal na Araw.
Sa monitoring Philippine Coast Guard (PCG) hanggang kaninang tanghali, nakapagtala ng halos 125,000 pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.
Kung saan 60,237 dito ay outbound passengers o paalis na pasahero habang 64,725 ang inbound passengers.
Nagsagawa rin ng inspeksiyon ang Coast Guard personnel sa mahigit 600 barko at 999 motorbancas para matiyak ang ligtas na biyahe ngayong Semana Santa.
Sa hiwalay na pahayaga, sinabi ng PCG na nagsagawa ng mas mahigpit na pagpapatroliya ang Coast Guard Station sa Western Leyte para protektahan ang mga pasahero at biyahero sa kanilang paglalakbay ngayong Holy Week.
Kasalukuyang naka-deploy ang kabuuang 17,000 PCG personnel sa bansa para matiyak ang maritime safety at security.
















