Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Alyansa rally sa Batangas kagabi upang suportahan at ikampanya ang mga pro-government na mga kandidato sa pagkasenador sa nalalapit na 2025 National and Local Elections.
Ito ay upang ipagpapatuloy ang momentum para sa makabuluhang pagbabago sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas,’
Ginanap ang Alyansa rally sa Batangas Sports Coliseum sa Batangas City kahapon Mayo 3, 2025.
Ito na ang ikalima at huling yugto ng kampanya sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) sa Rehiyon IV-A, na dinaluhan ng libu-libong tagasuporta mula sa Lalawigan.
Limang partidong politikal ang nagsanib pwersa at ang estratehiyang ito ay inuuna ang mga pangunahing sektor tulad ng pamamahala, imprastraktura, edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, at digital transformation, na naglalayong maghatid ng pangmatagalang benepisyo sa lahat ng mga Pilipino sa buong bansa.
Ipinaglamaki ni PBBM ang mga programa ng pamahalaan na malaking tulong sa mga kababayan natin na nasa laylayan, numaba na ang employment rate at dahan dahan ng pinaghahanda ang ekonomiya ng bansa para sa paglago at pagpapalakas sa sektor ng agrikultura upang makamit ang food security at maging sa mga imprastraktura.
Sa kabilang dako, sa ginawang pag endorso at pangangampanya ng Pangulo sa mga kandidato ng Alyansa, hindi na nito binanggit ang pangalan ni Las Piñas Representative at Deputy Speaker Camille Villar.
Ito ang unang pagkakataon na hindi binanggit ng Pangulong Marcos ang pangalan ng senatorial candidate na si Villar sa kaniyang campaign speech.
Sa campaign sortie nuong Biyernes sa Quezon Province binanggit pa ng Pangulo sa kaniyang talumpati ang pangalan ni Villar.
Kagabi hindi na rin makita ang mga larawan ni Villar kahit sa backdrop.
Kung maalala ipinag utos ni Pang. Marcos ang imbestigasyon kaugnay sa hindi magandang serbisyo ng PrimeWater na pag-aari ng mga Villar.