Nananatiling limitado sa mga kaanak, mga opisyal ng gobyerno, dating at kasalukuyang opisyal ng gobyerno ang mga pinapayagang makapasok sa Heritage Park sa Taguig City upang magpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng yumaong dating Pangulong Fidel Ramos.
Ito ay bilang bahagi pa rin hiling ng naiwang pamilya ng dating pangulo at bilang pag-iingat at pagsunod na rin sa mga ipinatutupad na health and safety protocols sa lugar.
Kabilang sa mga personal na nagpaabot ng pakikiramay ay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na dumating sa lugar bandang alas-10 ng umaga.
Sa kaniyang naging pahayag sa media ay sinabi ni Marcos Jr. na hindi lamang siya nagpunta duto bilang isang opisyal ng gobyerno kundi bilang kamag-anak na rin ng yumaong pangulo.
Samantala, kabilang din sa mga personal na bumisita sa burol ni FVR ay sina ex-Vice Presidebt Leni Robredo, Energy Sec. Raphael Lotilla, Labor Sec. Bienvenido Laguesma, House Speaker Martin Romualdez, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., Sen. Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado, former Senate President Vicente Sotto III, Executive Secretary Vic Rodriguez, ex-Ombudsman Conchita Carpio, at dating first lady Amelita Martinez-Ramos.
Mahigpit din ang ipinapatupad na seguridad dito at kinakailangan din na makapagpakita ng negative RT-PCR o anti-gen test result ang media at iba pang nagnanais na bumisita at magpaabot ng pakikiramay dito.
Una rito ay nagpadala na rin ng wreath o bulaklak ang ilan pang matataas na opisyal ng pamahalaan kagabi tulad nina President Bongbong Marcos Jr., Vice President Sara Duterte, Senate President Juan Miguel Zubiri, former Senate President Vicente Sotto III, at gayundin ang ilan pang grupo at indibidwak na nagmamahal kay FVR.Simula ngayon hanggang sa August 6 ay mananatiling limitado lamang sa ilang sektor ang papayagang makabisita sa mga labi ng yumaong pangulo habang sa August 7 hanggang August 8 naman ito nakatakdang buksan sa publiko.