-- Advertisements --

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga tourism leaders ng Japan upang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa sa sektor ng turismo, kasabay ng kanyang opisyal na biyahe sa Osaka para pangunahan ang pagpapasinaya ng Philippine Pavilion sa World Expo 2025.

Ayon sa Pangulo, layon ng pulong na higit pang mapalago ang bilang ng mga turistang bumibisita sa Pilipinas, lalo na’t mayroon nang 214 flight kada linggo sa pagitan ng Japan at Pilipinas.

Binibigyang-diin ng Punong Ehekutibo na makakatulong ang turismo sa paglikha ng mas maraming trabaho, mas mapalago ang negosyo at maging tulay upang umasenso abg buhay ng bawat komunidad.

Kaugnay nito, inilahad ng Pangulo na patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan upang maipromote ang Pilipinas bilang pangunahing destinasyon sa Asia sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga strategic partners tulad ng Japan.