Dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Indonesia para sa 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na nakatakda sa September 5 hanggang September 7 sa Jakarta.
Inimbitahan ni Indonesian President Joko Widodo si Pangulong Marcos para dumalo sa summit.
Si Widodo kasi ang tumatayong ASEAN chairman ngayong taon.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu, ito ang pangawalang ASEAN summit ngayong 2023, kung saan ang una ay ginanap sa Labuan Bajo, Indonesia nuong buwan ng Mayo kung saan dumalo din dito ang Chief Executive.
Itutulak pa rin ng Pang. Marcos ang rules-based international order at sundin ang United Nations Convention on the Law of the Sea partikular sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay Asec Espiritu, patuloy na manindigan ang Pilipinas na panatilihin ang freedom of navigation and overflight sa West Philippine Sea na naaayon sa international law.
Mariing tinanggihan ng Pilipinas ang bagong Chinese map sa West Phil Sea
Nakatakda din dumalo si Pangulong Marcos sa 13 leaders-level engagements, 12 diro ay summit sessions kasama ang ibang mga lider ng ibang bansa.
Inaasahan din na makipagpulong si Marcos kay Cambodian Prime Minister Hun Manet at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh.
Magkakaroon din ito ng bilateral meetings kay South Korean President Yoon Suk Yeol at Timor Leste Prime Minister Xanana Gusmão.
Inihayag ni Espiritu na inaayos pa ang ibang meeting ng Pangulo sa iba pang mga leaders.
Ayon sa DFA Official nakatakdang pag-usapan nina Pang. Marcos at South Korean President Yoon ang panibagong kooperasyon ng dalawang bansa.
Nabatid na planong mag donate ng bigas ang South Korea sa ilalim ng ASEAN Plus 3 Rice Reserve Arrangement na nasa kabuuang 750 metric tons ng bigas sa Pilipinas, kung saan 400 tonelada ay kasalukuyang nasa pipeline.
Patuloy din na isusulong ng Panguo ang pag protekta sa mga migrant workers na nasa crisis situation at biktima ng human trafficking.
Sinabi ni Espiritu nasa 90 na mga outcome documents ang inaasahang isumite, pagtibayin sa ASEAN Summit.