Inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na ang posisyon ng kaniyang administrasyon ay amyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution at wala ng iba pa.
Ito ang naging pahayag ng chief executive sa kaniyang talumpati sa ginanap na Constitution Day kahapon.
Ayon sa Pangulo, kailangan ng maamyendahan ang nasabing probisyon ng sa gayon lumago ang ekonomiya ng bansa at magbubukas ng mga Foreign Direct Investments.
Binigyang-diin ng Presidente na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang paghikayat ng mga foreign investments upang makamit ng bansa ang upper middle class income status sa taong 2025.
Sa kabila ng pagbaba ng 16 percent sa net foreign direct investment inflows, ang ekonomiyang bansa ay patuloy na lumalaki at inaasahang tataas pa ito sa 6 hangang 7 and half percent ngayong taon.
Panawagan ni Pang. Marcos sa publiko na suportahan siya at ang gobyerno na depensahan ang kabanalan ng Konstitusyon ang territorial integrity at sovereign will ng bansa.