-- Advertisements --

Plano ng Russia na magtayo ng power plant sa buwan bago ang 2036 upang suportahan ang lunar space program nito at ang Russian-Chinese research station, ayon ‘yan sa state space agency na Roscosmos.

Layunin ng proyekto na magbigay ng kuryente sa mga rover, observatory, at iba pang pasilidad sa buwan bilang bahagi ng long year exploration.

Kasama sa proyekto ang mga ahensiyang may kinalaman sa nuclear research, bagamat hindi tahasang sinabi kung nuclear ang gagamiting planta.

Nabatid na ang plano ng Russia ay bahagi ng pagsisikap nito na muling palakasin ang papel sa space exploration matapos mabigo ang Luna-25 mission noong 2023 at sa gitna ng matinding kompetisyon mula sa Estados Unidos at China.