-- Advertisements --

Mahigpit na minomonitor ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kalagayan ng mga residente sa Davao Oriental at mga karatig na lugar matapos ang magkakasunod na malalakas na lindol na yumanig sa rehiyon noong Oktubre 10.

Bilang tugon, personal siyang nagtungo sa mga apektadong bayan at isinama ang ilang miyembro ng kanyang gabinete upang tiyakin ang mabilis at angkop na pagtugon ng pamahalaan.

Sa kanyang pagbisita sa mga bayan ng Manay at Tarragona, pinangunahan ni PBBM ang situational briefing kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Dito ay kanyang tiniyak ang agarang paglalaan ng tulong, kabilang ang P298 milyong pondo mula sa Office of the President para sa mga LGU sa Davao at Caraga regions.

Samantala, ang agarang tulong na ibinigay ay pagkain, hygiene kits at cash, para sa anumang kailangang personal na bilhin.