Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang magandang oportunidad ang pagdaraos dito sa bansa ng Forbes Asia Forum at Forbes Global Chief Executive Officer (CEO) Conference sa susunod na taon para makapaghikayat pa ng mas madaming foreign investors na mamuhunan sa bansa lalo na sa larangan ng digitalisasyon, enerhiya, connectivity, at infrastructure development.
Ang nasabing forum at gaganapin sa huling quarter ng 2024 kung saan tampok dito ang Best Under a Billion at 100 to Watch na mga kumpanya sa buong Asya.
Inaprubahan na rin ng Pangulo ang pagho-host ng Pilipinas sa nasabing forum, matapos makipag-pulong ito sa senior executives ng Forbes media na ginanap sa Malakanyang kagabi.
Binigyang-diin ng chief executive na sa pamamagitan ng nasabing conference maipapakita kung ano ang pwedeng mai-alok ng Pilipinas sa kasalukuyan sa kabila ng pagsisikap ng administrasyon na maka hikayat ng mga foreign investors na mamuhunan sa bansa.
Magtipon-tipon sa nasabing conference ang mga CEO sa ibat-ibang bahagi ng mundo, entrepreneurs, investor, at mga lider kung saan pag-uusapan dito ang mga isyu na may international concerns.
Asahan din ang pagkakaroon ng bagong partnerships sa ibat ibang business gruops sa buong mundo.
Ang Forbes global conference ngayong taon ay gagawin sa Singapore sa buwan ng September kung saan imbitado dito si Pangulong Marcos Jr.