-- Advertisements --
Sinibak sa puwesto ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon si Atty. Mikhail Valodya M. Tupaz, OIC-Division Chief ng Internal Affairs Division–Legal Service ng DPWH Central Office, dahil umano sa pagiging abusado.
Ayon kay Dizon, nag-ugat ang desisyon matapos makatanggap ng reklamo mula kay Sen. Raffy Tulfo ang kanyang opisina kaugnay ng insidente kung saan minamaltrato umano ni Tupaz ang isang guwardiya na hindi siya pinapasok sa isang gated subdivision.
Giit ng kalihim, hindi palalampasin ng kagawaran ang anumang uri ng pang-aabuso mula sa kanilang mga opisyal at empleyado, kasabay ng panawagang igalang ang lahat ng manggagawa anuman ang kanilang posisyon.