Kinumpirma ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ligtas ng nakabalik ng Israel ang Filipina na si Noralyn Babadilla na pinalaya sa Gaza.
Siya ang ikalawang Pinay na pinalaya ng Hamas militants.
Sa mensahe ng Pangulo ilang raw din nababahala ang gobyerno kung saan naroroon ang nasabing Pinay.
Kaya laking pasasalamat ng Pang. Marcos na ligtas na nakabalik ng Israel si Babadilla.
Dagdag pa ng Pangulo sa paglaya ni Babadilla lahat ng mga Filipino na apektado ng giyera ay accounted na.
Ipinahayag din ni Pangulong Marcos na ipinagkatiwala niya sa mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na tumugon sa mga pangangailangan ni Babadilla sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Israel.
Ipinaabot din ng Pangulo ang kanyang pasasalamat sa mga awtoridad ng Israel sa pagpapadali sa pagpapalaya kay Babadilla.
Pinasalamatan din ng punong ehekutibo ang pamahalaan ng Egypt at Qatar “para sa kanilang mahalagang papel.
Una ng pinalaya ang Pinoy na si Gelienor “Jimmy” Pacheco ng Hamas na sinundan ni Babadilla.
Sina Babadilla at Pacheco ay kabilang sa mga dayuhang na-hostage ng Hamas noong Oktubre 7.