Ipinangalan kay Dr. Jose Rizal ang isang intersection sa Woodside, Queens, New York, bilang pagpupugal sa Philippine national hero at sa mga migranteng Pinoy.
Ang naturang komunidad ay isa sa mga komunidad sa US na may maraming Pinoy na naninirahan.
Inihain ng Filipino-American legislator na si Steven Raga sa New York State Assembly ang panukala para palitan ang dating pangalan ng naturang intersection na nasa Woodside Avenue and 58th Street, na sinuportahan naman ng kaniyang kapwa local legislators.
Pinangunahan ni Philippine consul general in New York Senen Mangalile ang unveiling ceremony kung saan binigyang-diin ng opisyal na ang paggamit sa pangalan ng pambansang bayani ay isang malaking karangalan, lalo na sa mga migranteng Pinoy na naroon.
Inihambing din ni Mangalile ang naging karanasan noon ni Rizal habang nasa iba’t-ibang mga bansa, at ang kasalukuyang sitwasyon ng mga migranteng Pilipino na naghahanap-buhay sa ibayong-dgat.
Binigyang-diin din ng opisyal ang patuloy na kontribusyon ng mga Pilipino sa New York, para tuloy-tuloy na pag-unlad ng naturang estado, kasama na ang mayabong na mulicultural landscape nito.










