-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang full implemenation ng Sagip Saka Act.

Ito’y matapos lagdaan ng Pangulo ang Executive Order No. 101 upang tiyakin ang mas mataas na produksiyon ng pagkain, matatag na presyo, at mas magandang kabuhayan para sa mga magsasaka at mangingisda.

Sa ilalim ng EO 101, inatasan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan, GOCCs, SUCs, at LGUs na ipatupad nang buo ang Sagip Saka Act (RA 11321), na layong paunlarin ang mga negosyong pang-agrikultura at pangisdaan sa pamamagitan ng pagsasanay, suporta sa merkado, at direktang pamimili ng produkto mula sa mga kooperatiba ng magsasaka at mangingisda.

Itinakda rin ng EO na magtatag ang Department of Agriculture ng mga Sagip Saka Desks sa mga rehiyon upang magsilbing sentro ng impormasyon at koordinasyon.

Ayon sa Punong Ehekutibo, mahalagang hakbang ito upang mabawasan ang kahirapan sa sektor ng agrikultura at pangisdaan, at matiyak ang mas matatag na suplay ng pagkain at mas inklusibong paglago sa kanayunan.