Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palakasain ang maritime security ng Pilipinas sa gitna ng pananalakay ng China sa West Philippine Sea.
Ito’y kasunod sa paglagda ng Punong Ehekutibo sa Executive Order No. 57 na nananawagan sa pagpapalakas sa maritime security and maritime domain awareness ng bansa.
Sa nasabing executive order binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapalakas sa seguridad sa teritoryo ng bansa sa kabila ng seryosong hamon na kinakaharap ng Pilipinas.
“Despite efforts to promote stability and security in our maritime domain, the Philippines continues to confront a range of serious challenges that threaten not only the country’s territorial integrity, but also the peaceful existence of Filipinos, including their fundamental right to live in peace and freedom, free from fear of violence and threat,” pahayag ni Pang. Marcos.
Giit ng Punong ehekutibo, kinakailangan ang pagpapalakas sa maritime security at domain awareness ng bansa upang komprehensibong matugunan ang mga crosscutting na isyu na nakakaapekto sa pambansang seguridad, soberanya, karapatan ng soberanya, at maritime jurisdiction sa malawak na maritime zone.
Sa ilalim ng EO 57, ang National Coast Watch Council ay pinalitan ng pangalan at muling na reorganized sa National Maritime Council (NMC) na pinamumunuan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ang NMC ay magiging responsable para sa pagbabalangkas ng mga patakaran at estratehiya upang matiyak ang isang pinag-isang, coordinate at epektibong balangkas ng pamamahala para sa maritime security at domain awareness ng bansa, bukod sa iba pang mga kapangyarihan at tungkulin.
Inatasan din ang NMC na bumalangkas at mag-isyu ng mga alituntunin para sa epektibong pagpapatupad ng EO 57 sa loob ng 60 araw mula sa pagiging epektibo nito.
Kabilang sa magiging miyembro ng NMC ay ang mga sumusunod: Department of National Defense (DND);
National Security Adviser (National Security Council);
Department of Agriculture (DA);
Department of Energy (DOE);
Department of Environment and Natural Resources (DENR);
Department of Foreign Affairs (DFA);
Department of Finance (DOF);
Department of the Interior and Local Government (DILG); at Department of Transportation (DOTr).
Miyembro din sa nasabing konseho ang Solicitor General at director general ng National Intelligence Coordinating Agency.
Samantala ang National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ay magiging attached na sa NMC.
















