-- Advertisements --

Hangad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maging multi-mission-ready, cross-domain at capable force ang mga sundalo ng Philippine Army ng sa gayon epektibo nitong mapigilan ang anumang banta o emerging threats at mapanatili ang katatagan at ma-protektahan ang soberenya ng bansa.

Lalo at nahaharap ngayon ang Pilipinas sa malaking hamon para protektahan ang maritime domain nito sa bahagi ng West Philippine Sea.

Dahil dito, kaya patuloy ang gobyerno sa pagpapalakas sa capacity-building initiatives ng hukbo partikular ang pagpapataas sa morale ng mga sundalo, mapanatili ang kanilang efficiency at mabilis na pag responde sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga training at edukasyon.

Hinikayat din ng Pangulong Marcos ang Philippine Army na palakasin ang kanilang cybersecurity capabilities ng sa gayon mai-akma ito sa mabilis na pag-usad ng mga makabagong teknolohiya.

Maari din gamitin ng mga sundalo ang kanilang natututunan sa mga joint military exercises kasama ang kanilang mga foreign counterparts.

Ang mensahe ng Pangulo para sa ika-127th anniversary ng Philippine Army ay binasa ni Defense Secretaru Gilberto Teodoro.

Hindi nakadalo ang Pangulo sa aktibidad dahil nagka trangkaso ito.